in

Buwan ng Wika: Magpapahalintulad Ka Ba sa Isang Malansang isda?

aaa
http://kwf.gov.ph/

Saan sulok ka man ng Pilipinas at kung ano mang lahi ang iyong pinanggalingan at kung ano man ang iyong mga pinaniniwalaan MALIGAYANG BUWAN NG WIKA!

Luzon, Visayas at Mindanao, huwag ikahiya na Pilipino ka. Kung ayaw mong maihantulad sa isang malansang isda, dapat mahalin natin ang sarili nating wika at gamitin natin ang ating wika para sa ikakaunlad ng ating bansa.

Ang buwan ng Agosto ay buwan ng pagdiriwang ng wikang Filipino. Ito ay isang espesyal na buwan para sa mga Pilipino. Ang Filipino ay wikang panlahat  at ito rin ang Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas. Pero ano ba ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika? Paano natin ito maipagmamalaki sa buong mundo ngayong panahon ng globalisasyon?

Gaya pa rin ng dati, ipinagdiriwang ng mga paaralan sa buong bansa ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain gaya ng dula-dulaan, pagsulat ng sanaysay, sabayang pagbigkas, sayaw-awit o sayawit at iba pa.

“Filipino: WIKA NG KARUNUNGAN” ang tema ng buwan ng wika sa taong Agosto 2016, ang layunin nito ay pahalagahan at mahalin ang sariling wika. Sa panahon ngayon kunti nalang ang nagpapahalaga sa wikang filipino dahil karamihan sa mga pilipino na ang pagiging mahusay daw sa pag sasalita o pag gamit sa wikang Ingles ang isa sa mga batayan para masabi na ikaw ay isang taong intelihente.

Kadalasan sa mga bata ngayon ay tinuturuan ng kanilang mga magulang sa wikang Ingles para daw hindi na sila mahirapan makipag usap sa mga ibat-ibang tao na makakasalamuha sa kanilang pag laki. Ito ay nakakabahala baka darating ang panahon na wala na talagang magpapahalaga o gagamit sa wikang Filipino. Sabi nga ng ating bayani na si Gat. Jose Rizal “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.”  at kahit maraming alam na wikang banyaga ang ating bayani na si Rizal, hindi niya parin tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan niya ang wikang Filipino na isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.

Sa panahon ngayon ng globalisasyon at makabagong teknolohiya, dapat gamitin natin ang ating sariling wika, ang wikang Filipino para sa pakikipag-komunikasyon. May mga taga ibang bansa nga na pilit na nagsasalita at pilit na inaaral ang ating wikang Filipino, tayo pa kaya na dugong Pinoy talaga. Huwag natin ikahiya ang ating wikang Filipino dahil ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa tayong mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Ang ating “Ama ng wikang Pambansa” ay si Quezon dahil pinahalagahan niya na magkaroon tayo ng iisang lengwahe para magkaisa tayong mga Pilipino at maipakita at maipamalas natin sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit ang isang bansa, nagkakaisa ang mga tao.

Ito ang mga dahilan kung bakit dapat natin mahalin ang sarili nating wika: 

Isang batang Alemanyo na marunong magsalita ng Tagalog.

Ang cute na blonde na batang ito ay marunong kumanta ng Bahay Kubo.

At ito pa

Tagalog song kinanta ng grupo ng Amerikanong mang-aawit.

Kahit ang mga taga-Buzzfeed…

Ang tanyag na boys’ choir na Libera

Isang banyagang ama, tinuruang mag-tagalog ang kanyang mga anak.

Video courtesy of Youtube

Nawa’y gamitin natin ng wasto ang ating sariling wika at taas-noo nating ipagmalaki sa ibang bansa ang ating sariling wika ang wikang Filipino!

Report

Written by Proudly Filipino

For features and advertising inquiries, please email  editor@proudlyfilipino.com. You can also contact us via THIS PAGE

Want Your Brand or Story To Be Featured?

Proudly Filipino - HIghlighting the Philippines

🤩Do you have photos, stories, and brands that you’d like to be featured? Do you know someone that needs to be featured?

👉Message us via m.me/ProudlyFilipinoCom and we’ll showcase their talents, skills, products, and services to the world!

👉Don’t forget to follow and like #ProudlyFilipino #BestOfThePhilippines #BestOfTheFilipinos

Comments

Leave a Reply
  1. Buwan Ng Wika kaya ito ay dapat itama.
    Saan[g] sulok ka man ng Pilipinas. [dapat may ‘g’]
    [Konti] hindi kunti, mas maiging gumamit ng [kaunti]
    Gumamit ng [natatangi] kesa espesyal na isang salitang hiram. Buwan ng Wika, diba?!
    Gumamit ng [marunong] or [matalino] kesa intelihente.
    [makipag-usap] hindi makipag usap.
    [Pakikipagtalastas] o [pakikipag-usap] imbes na pakikipag-komunikasyon
    [Manuel L. Quezon] hindi Quezon
    [Aleman] hindi Alemanyo. Saan niyo nakuha to? Alemanya kapag bansa ang tinutukoy.
    [Orihinal na musikang Pilipino] hindi Tagalog song.
    At higit sa lahat, hindi Tagalog, kundi [Filipino].
    Ang sanaysay na ito ay isang pambababoy sa sariling wika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

What do you think?

Mandani Bay is the Official Venue of CBC 2.0 Anniversary Party

Cebu Blogging Community Celebrates Second Year Anniversary at Mandani Bay